Wed. Jul 1st, 2026
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

Tuloy ang plano ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong plunder si Sen. Rodante Marcoleta bago matapos ang linggo.

Inihayag ito ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa gitna ng dalawang araw na rally ng Iglesia ni Cristo (INC) bilang suporta kay Marcoleta.

“Nothing is changing. Nothing has changed,” ani Remulla nang tanungin kung itutuloy pa rin ng Ombudsman ang paghahain ng kaso laban sa senador sa Sandiganbayan.

May freedom of expression naman aniya ang INC na maglunsad ng rally bilang suporta kay Marcoleta ngunit ang alegasyon sa kanyang may “selective justice” ay isang “wrong premise.”

“There is no selective justice in the country when it comes to the Ombudsman,”  giit ni Remulla.

Matatandaan inanunsyo ni Remulla na nakatakdang kasuhan ng plunder si Marcoleta kaugnay sa P75 milyong undeclared campaign donations noong 2025 senatorial elections.# (ROSE NOVENARIO)

By admin