Fri. Nov 22nd, 2024
Davao City Mayor Sebastian Duterte

BINASAG ni Davao City Mayor Sebastian “Baste”  Duterte ang kanyang pananahimik mahigit isang buwan mula nang tuluyang gumuho ang UniTeam, ang alyansa ng mga Marcos at Duterte mula noong 2022 elections.

“You are lazy and you lack compassion,” sabi ni Baste sa kanyang talumpati tungkol kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, sa ginanap na Hakbang Maisug Leader’s forum sa Davao City na susundan ngayong gabi ng Prayer Rally, isa umanong pagkilos laban sa isinusulong na people’s initiative tungo sa charter change na dadaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang naturang pagtitipon ay kasabay ng kick-off rally ng Bagong Pilipinas branding ng administrasyong Marcos Jr. sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Dumistansya sa pagtitipon sa Davao City si Vice President Sara Duterte at naglabas ng pahayag na siya’y pupunta sa Bagong Pilipinas rally.

Ayon sa ilang political observers, tila wala sa tono ang kritisismo ni Baste kay Marcos Jr. dahil noong pangulo ang kanyang ama, hapon na ito nagigising kaya’t ilang oras nale-late sa mga opisyal na pagtitipon na kailangan ang kanyang presensya.

Kung habag naman ang pag-uusapan, ipinakita ng kanyang ama “kalupitan” sa mahigit anim na libong katao, karamihan ay mga ordinaryong mamamayan, na pinatay sa isinulong na madugong Duterte drug war kaya’t nahaharap sa kasong crimes against humanity ang dating pangulo sa International Criminal Court (ICC). (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *