Fri. Nov 22nd, 2024

NANINDIGAN si dating Sen. Antonio Trillanes IV na natapos na ng mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) ang pagsisiyasat sa mga pangunahing akusado sa crimes against humanity kaugnay sa madugong Duterte drug war nang magpunta sa Pilipinas noong Disyembre 2023

Sinabi niya sa programang Facts First with Christian Esguerra,ang focus ng ICC ay “mga mastermind, yung mga nasa poder, in a position to stop it but did not stop it.”

Kabilang sa mga tinukoy ng dating senador na mga pangunahing akusado ay sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sens. Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go at Vice President Sara Duterte.

Bagama’t wala aniyang kooperasyon ibinigay ang gobyerno ng Pilipinas, nakakuha ang mga imbestigador ng ICC ng mga kailangan nilang ebidensya.

Maaari aniyang sa susunod na tatlong buwan ay lumabas na ang international warrant laban sa mga pangunahing akusado at ipatutupad ito ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).

Bilang miyembro ng INTERPOL, obligasyon aniya ng Pilipinas na makipagtulungan sa pagsisilbi ng international warrant sa mga akusadong nasa loob ng bansa. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *