MAY kritikal na ugnayan sa pagitan ng kalayaan sa pagpapahayag at ng karapatan sa kalusugan.
Binigyang-diin ito ng mga kinatawan mula sa mga health workers group sa isang pagpupulong kay United Nations Special Rapporteur Irene Khan sa kanyang opisyal na pagbisita sa Pilipinas.
Sa kanilang meeting kahapon, iginiit nina Health Alliance for Democracy (HEAD) chairperson Edelina De la Paz at Alliance of Health Workers (AHW) national president Robert Mendoza, na kinatawan din ang Coalition for People’s Right to Health (CPRH) at ang Council for Health and Development (CHD), na ang kakayahang magpahayag ng mga opinyon sa isang demokratikong lipunan ay mahalaga sa trabaho ng community health workers at ng mga kawani ng ospital.
“Without the guarantee of holding and expressing an opinion in a democratic society, the role of community health workers and health workers in hospitals in easing pain and suffering, protecting the sick and distressed, and being a source of credible information is placed at an immense risk,” sabi De la Paz.
Sinabi ng mga grupo, ang mga alalahanin tungkol sa “militaristic approach” na ginawa sa panahon COVID-19 pandemic na ipinakalat ang mga pulis at militar sa halip na bigyan ng kapangyarihan ang mga manggagawang pangkalusugan at mga tugon na nakabatay sa komunidad.
“To date, there has been no acknowledgment from the Duterte and Marcos Jr. administrations of the violations committed as a result of the militarist approach to the pandemic, which repressed the people’s right to know and right to express,” ani De la Paz.
Para sa mga manggagawang pangkalusugan na nagsalita laban sa malagim na sitwasyon ng health workers lalo na sa panahon ng pandemya ng COVID-19, ibinahagi ni Mendoza kung paanong ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng tagapagsalita nito noon na si Dr. Lorraine Badoy, siniraan ang mga organisasyon at mga indibidwal — ginawa silang bukas na mga target para sa harassment o extra-judicial killing. “Mula sa panahon ni Pangulong Duterte hanggang sa kasalukuyang administrasyong Marcos Jr., kahit sino ay target.”
Ibinahagi ng mga grupong pangkalusugan kay Khan ang mga larawan at kuwento ng of women health at human rights defenders Zara Alvarez at Dr. Mary Rose Sancelan mula sa Negros, parehong pinatay noong 2020, sina Dr. Jean Lindo at Dr. Naty Castro, parehong mga doktor ng komunidad na ni-redtagged.
Nanawagan din ang mga grupo para sa pagbuwag sa NTF-ELCAC, ang pagpapawalang-bisa sa Anti-Terror Law, ang pag-alis ng mga pagbansag na terorista, at ang pagsisiyasat sa mga paglabag sa karapatang pantao laban sa mga healthcare worker.
Nagsumite sila ng isang komprehensibong ulat kay Khan, na nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kaugnayan ng kalayaan sa pagpapahayag at karapatan sa kalusugan at humihimok ng aksyon upang protektahan ang healthcare workers at itaguyod ang mga karapatang pantao sa Pilipinas. (ROSE NOVENARIO)