Thu. Nov 5th, 2026

WALA raw kabusugan ang pamilya ng politiko sa Metro Manila at gustong pagkasyahin sa kanilang mga bulsa ang lahat ng kita ng siyudad.

Nagulantang ang mga maliliit na negosyante sa lungsod nang bumulaga sa kanila ang mas mataas na bayarin sa insurance para sa kanilang munting kabuhayan.

“Nakorner na naman pala ng Kamag-Anak Inc ang insurance company na nakasungkit ng kontrata,” pagbubunyag ng  Primera Chismosa sa Monumento.

Nag-iipon daw ng husto ang Kamag-Anak Inc hindi lamang para ipantustos sa casino na bisyo ng kanilang pamilya, kundi para budget para sa ikinakasang troll farm na magpapabango sa kanilang imahe.

Kinakabog daw  kasi ang Kamag-Anak Inc sa “lakas ng dating” nang sasagupa sa kanilang poder sa 2025 midterm elections.

Kaya maging kontrata sa lahat ng infrastructure projects sa lungsod na kanilang nasakote ay hindi sapat na panggagastos para manatili sila sa puwesto.

CLUE:

Sigurista raw ang Kamag-Anak Inc, ang patriarch daw ng pamilya ay nakatutok sa pagsisipsip sa tabi ng Ilog Pasig habang ang kanyang Nino Bonito ay sanggang dikit naman daw ng Davao Group.

Ito ang dahilan kaya kampante raw ang Kamag-Anak Inc na mananatili sa posisyon beyond 2025 lalo na’t nangako raw ang bossing ng bayan mo na siya ang bahalang kumausap sa kinatatakutan nilang katunggali.

“Gusto kong mag-staycation sa Manila Pen para hindi puwedeng lapitan habang hinihintay ang international warrant mula sa ICC,” sabat ng miron.

‘Yun na!

 

By admin

10 thought on “PAMILYA NG POLITIKO, NEGOSYO ANG GOBYERNO”
  1. Meist sind es etwa fünf Minuten, an denen die erhaltene TAN eingegeben werden kann. Wer in den SOFORT Casinos mobil Geld einzahlen möchte, muss nur den Kassenbereich öffnen und die Transaktion durchführen. SOFORT Casinos überzeugen zudem mit einer tollen Casinospiele Auswahl, einem lukrativen Einzahlungsbonus sowie einem hervorragendem VIP Programm. Zwar fallen für eine Online Casino Sofortüberweisung keine Gebühren an, bietet die Sofort GmbH unterschiedliche Tarife für einzelne Produkte an. Es kommen auch immer Fragen zu möglichen Gebühren, wenn man in Online Casinos mit schneller Auszahlung bezahlen möchte.

    References: https://forum.riskofficer.tech/t/casino-einzahlung-sofortuberweisung-kosten-ablauf/30

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *