Mon. Nov 25th, 2024

TILA nalaos ang kasabihang, “blood is thicker than water” sa magkapatid na politikong tinitingala sa ating Inang Bayan.

Ang ngitngit ng isa sa kanila’y iniraos sa isang group chat noong Huwebes pero matapos i-send ang mensahe, biglang nagbago ang ihip ng hangin at binura niya agad ito.

Hindi naman umubra sa Marites sa GC ang paglalaho ng mensahe dahil mabilis pa sa kidlat na-screenshot niya ito at ibinahagi sa mga tulad niyang makati ang dila.

Nag-ugat daw ang ngitngit ng politiko sa kadugo sa ginanap na pulong kaugnay sa people’s initiative para isakatuparan ang charter change o pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Tinawag niyang “traumatic” ang kanilang meeting dahil nabisto nilang alam pala ng kanyang kadugo ang paglarga ng P.I. sa kabila ng pagma-maang-maangan nito noong una.

“Kunwari walang syang alam, yung pala todo2 nyang sinusuportahan ang PI para magkaroon ng 2x 5yr terms sya atbp!?” sabi raw sa mensaheng burado na.

Himutok ng politiko, balewala pala sa kanyang kadugo kung malusaw ang Senado dahil sa Cha-cha taliwas sa naunang pahayag nitong may malasakit sa Mataas na Kapulungan.

“Traydor sa constitution, traydor sa bayan, traydor sa aming pamilya,” himutok ng politiko sa burado na niyang mensahe.

CLUE:

Walang pakundangan ang politiko sa pagbatikos sa P.I. nitong mga nakaraang linggo.

Abot langit ang kanyang ngitngit sa kadugo dahil mistulang robot na minamanipula raw ng mga nakapaligid sa kanya, lalo na ng gabi-gabing katabi sa kama.

Ang kadugo ni politiko ay minsan nang nabansagang Mama’s boy at happy-go-lucky at kailan lang sineryoso ang kanyang political career kaya tinawag na “bossing ng bayan mo.”

Pero marami ang duda kung lehitimo ang galit ni politiko sa kanyang kadugo, lalo na’t inaasinta niya ang Maynila bilang kanyang magiging kaharian simula sa 2025.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *