Umabot sa P3.7-B pera ng bayan ang naaksaya sa “illegal” reclamation projects sa bahagi ng Taguig City sa Laguna Lake at ang mga dokumento ay isinumite na ni Sen. Panfilo “Ping”Lacson sa Office of the Ombudsman.
“Based on official records and our investigation, the total cost of identified completed, ongoing (and suspended) DPWH flood control and multi-purpose projects along the ‘illegal’ Laguna Lakeshore reclamation areas in Taguig City has so far reached P3.713 billion,” sabi ni Lacson sa paskil sa X.
“These do not include other anomalous slope protection and flood mitigation projects along Taguig River involving double appropriations and ‘ghost’ projects using recycled photographs in different ‘completed’ projects, for billing purposes,” dagdag niya.
Sinabi ni Lacson na ang apat na umano’y illegally reclaimed land sa Taguig City ay tinukoy noong una bilang saklaw “fraudulently issued land title: ang isa ay saklaw ng administrative patent na 9,204 square meters sa ilalim ng Original Certificate of Title (OCT); ang 5,000 square meters sa ilalim ng OCT ay sakop ng judicial/ordinary land registration processing: i 181,077 square meters sa ilalim ng Transfer Certificate of Title (TCT) na saklaw ng isang homestead patent, at 193,027 square meters sa ilalim ng isang TCT.
Tinukoy ni Lacson, ang top five contractors na sangkot sa mga proyekto na nagkakahalaga ng kanuuang P2.372 bilyon: were:
- Dahl Construction: P858.22 milyon na binubuo ng limang solo projects na nagkakahalaga ng P571.5 milyon at apat na joint ventures na may total na P286.7 milyon;
- J.C. Uyecio: P483.1 milyon na sumasaklawa sa apat na joint ventures;
- Toughbuilt: P434.2 milyon na sakop ang tatlong solo projects;
- Topnotch: P329.9 milyon na binubuo ng dalawang joint ventures sa Core Check at isa sa Beam Team; at
- GR Fervidal: P266.6 milyon na sumasakop sa limang solong multi-purpose building projects.
Kaugnay nito, sa panayam sa programang Storycon sa One news, sinabi ni Lacson na naniniwala siyang may kontak sa Register of Deeds sa Taguig City Hall ang mga nagpatitulo ng “illegally reclaimed lands”
“Mga dummies ito, hindi lutang ang pangalan kaya nire-record check para malaman kung sino ang tunay na nasa likod,” aniya.
‘HIRAP NA HIRAP KAMI ‘DYAN SA TAGUIG’
Isiniwalat din ni Lacson ang hinaing ng mga opisyal ng Philippine Reclamation Authority (PRA) kaugnay sa umano’y harassment at intimidation na naranasan nila mula kay Sen. Alan Peter Cayetano para patigilin ang inspeksyon at imbestigasyon nila sa Taguig reclamation projects sa Laguna Lake.
Ayon kay Lacson, ikinuwento sa kanya ng opisyal ng PRA na ipinatawag siya sa tanggapan ni Cayetano sa panahon ng budget deliberations noong Oktubre 2025 at binantaan na ipasususpinde ang 2026 budget ng Office of the President kapag hindi itinigil ang inspeksyon sa mga reclamation projects sa parteng Taguig City sa Lawa ng Laguna.
Ang PRA ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng OP.
“Ang kuwento nila sa amin, “hirap na hirap kami dyan sa Taguig,” pati si Parumog ng LLDA, na-boldyak din in one of the hearings,” lahad ni Lacson sa programang Storycon sa One News.
“Yung gagamitin mo yung position mo to harass agency heads and offcials para hindi kumibo, I think it’s about time dapat ma-stop ‘yan,” dagdag niya.
Upang maituloy ang inspeksyon ay nagpanggap ang isang PRA official na kakain sa isang lugar sa Taytay kasama ang kanyang pamilya at nagpalipad ng drone upang makuhaan ang reclamation projects sa Taguig.
Muling iginiit ni Lacson na walang permit mula sa PRA at Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang Taguig reclamation projects na umano’y umabot na sa hanggang 85 ektarya, na tumodo noong 2018 pero bina-backtrack ng kanyang mga tauhan kung anong taon talagang nagsimula ito.
Imbes na lupa ay mga basura mula sa Taguig na hindi na itinapon sa Montalban, Rizal at mga construction materials mula sa mga gusaling itinayo sa BGC ang ginamit na panambak sa reclamation projects.
Isa umano sa mga requirement ng Taguig City Hall bagong mag-isyu ng building permit ay kailangang dalhin sa Laguna Lake ang kanilang mga itatapon na construction materials.
Tiniyak ni Lacson na hindi siya titigil hangga’t mapanagot ang mga responsable sa usapin.# (ROSE NOVENARIO)