📷: Col. Raymund Lachica
Kombinsido si UP Diliman Law Professor Atty. John Molo na “nasara” na ng prosecution panel ang naratibo nila hinggil sa umano’y ‘misuse and abuse of confidential funds” ng Office of the Vice President at Department of Education noong kalihim ng kagawaran si Vice President Sara Duterte,
Kaya nalipat na aniya sa panig ng defense ang “burden of evidence” na patunayan na inosente si VP Sara .
“Trabaho na kasi ng defense at this point. Kumbaga, ang pinaka-best person na makapag-e-explain kung saan napunta ang pera, is yung gumamit ng pera,” paliwanag ni Molo sa programang Sa Totoo Lang sa One News.
Hinihintay na aniya ng senator-judges ang paliwanag ng defense panel dahil batay sa mga testimonya ng mga testigo mula sa OVP at DepED, wala silang alam kung saan napunta ang mahigit kalahating bilyong pisong confidential funds ng dalawang ahensya.
“Ang tanong ngayon ng taumbayan: so sino lang ang nakaka-alam?” ani Molo.
“Not Acosta, not Ortonio, not Poa, Lachica lang,” sabi pa niya.
Si dating VPSPG Chief Col. Raymund Lachica ang aniya’y “huling nakahawak” sa confidential funds na lumabas mula sa OVP.
Habang batay sa testimony ani dating DepEd SDO Edward Fajarda sa pagdinig sa Kamara noong Oktubre 2024 ay kay Col. Dennis Nolasco ng VPSPG niya ibinigay ang confidential funds ng kagawaran.# (RRN)