Sun. Oct 11th, 2026

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.na sibak na bilang Presidential Communications Office (PCO) secretary si Dave Gomez.

Papalitan aniya si Gomez ni dating Taguig City Mayor at PTV general manager Lino Cayetano.

Si Cayetano ang ika-anim na press secretary ng administrasyong Marcos Jr.

Tinanggap na ni Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Henry Aguda bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos ma-bypass ng Commission on Appointments (CA) kahit wala pa siyang kapalit sa puwesto.

Nauna si Ombdusman Jesus Crispin Remulla sa nagsiwalat sa kanyang DZRH program kahapon  sa pagtanggap ni Marcos Jr. sa resignation ni Aguda.

Marami ang nagtaka sa tila biglang pagsibak kay Gomez gayung kasama pa siya ni Marcos Jr. sa Singapore sa kasalukuyan.

Wala pang pahayag si Gomez hinggil sa kanyang naging kapalaran. # (RRN)

By Web Dev