Thu. Nov 21st, 2024
📸: Senator Janet Rice/X

NAGPROTESTA ang ilang Australian solons habang nagtatalumpati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Australian Parliament, at kinondena ang umano’y mga insidente ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang paskil sa X, dating Twitter, binatikos ni Senator Janet Rice si Marcos Jr kaugnay sa mga isyu ng human rights violations at korapsyon, kaya’t isang kahihiyan ang maimbitahan ang Philippine president para magtalumpati sa kanilang Parliament.

“Under President Marcos Jr, corruption in the Philippines is getting worse. There are hundreds of political prisoners and ‘anti-terrorism’ laws are used as legal cover for extrajudicial killings,” sabi ni Rice.

Ineskortan palabas ng parliament si Rice dahil sa kanyang protesta at pagtaas ng placard na may nakasulat na “STOP THE HUMAN RIGHTS ABUSES” habang nagtatalumpati si Marcos Jr.

Habang ang iba pang Greens senators, gaya nina Sen. Jordon Steele-John, Sen. David Shoebridge, at Sen. Barbara Pocock, ay naghayag din ng kanilang pagtutol sa X.

“The only unparliamentary thing to happen today was that the Albanese government supported by the Coalition allowed the son of a dictator, a human rights abuser and man living off stolen wealth from the Filipino people to use our parliament as a platform of legitimacy,” sabi ni Steele-John.

“The deep, cruel legacy of the Marcos regimes – senior and junior – have crushed community, peasant, women’s, trade union and human rights activists in the Philippines,” ani Pocock. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *