PEKE ang operational documents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasalukuyang kumakalat sa social media.
Ayon sa kalatas ng PDEA, dalawang larawan ng mga dokumento ang nai-post online; isang Authority to Operate at isang Pre-Operation Report, na parehong may petsang Marso 11, 2012.
Sa pagsusuring ginawa ng PDEA sa pamamagitan ng Plans and Operations Reports Management Information System o PORMIS nito at nalaman na walang ganoong operasyon ang naka-log sa nasabing petsa.
Ang isang kritikal na tampok ng PORMIS, anang ahensya, ay hindi maaaring ipasok o pakialaman ng isang tao ang mga naitalang operasyon.
Giit ng PDEA, lahat ng mga dokumento bago ang operasyon ay serialized at naitala sa database na ito upang matiyak ang integridad ng system at tinatanggihan ang anumang pagdududa sa data na nilalaman ng sistema.
“In an age where Artificial Intelligence can generate realistic fake videos, spurious documents and fantastic claims at having ‘insider information’, the public is cautioned to be more careful in believing such fake news,” anang PDEA. (ZIA LUNA)