MALAYUNG-MALAYO ang trato ng isang political dynasty sa constituents ng siyudad na kanilang pinaghaharian.
Kung ginagastusan nila ang panliligaw sa mga lider-lideran at kaalyado nila na mistulang kasing layo lang ng Quiapo ang Macau at Monumento ang Central Luzon , siya namang kalunus-lunos ang kapalaran ng mga anak-pawis sa kanilang lungsod na madaling araw pa lamang ay nakapila na para sa P300 “medical assistance.”
“Ilang libong HK dollars daw ang ibinigay sa mga lider—lideran at kaalyado sa Macau para panggastos ng bawat isa sa bakasyon grande na all expenses paid ng pamilya ni Mayor Fendi,” tsika ng miron.
“Anong klaseng pamilya ‘yan na kilalang addict sa casino, gusto pang mandamay ng iba at hinihikayat pa na mahumaling rin sa tunog ng slot machine?” wika ng Istriktang Chismosa.
Hindi pa raw nakuntento sa pagpapatikim ng buhay-mayaman sa mga lider-lideran at kaalyado sa Macau para lamang makombinse silang humakot ng kakampi sa kanilang panig.
Ang iba naman daw ay isinama sa isang tourist destination sa Central Luzon at doon pinalasap ang buhay-mayaman habang “kumakaway sa yate.”
“True ba na may kasama pa raw na mga naka-abito at opisyal ng paaralan sa bakasyong grande?” usisa ng Chismosa sa Monumento.
“Syempre, masarap ang libre, ‘ika nga hahaha,” humahalakhak na sagot ng Istriktang Chismosa.
CLUE:
Ikinakasa ng angkan ni Mayor Fendi ang kandidatura ng isa niyang utol para maging konsehal kaya doble kayod sila sa pang-uuto sa mga inaakalang mag-aakyat ng boto sa kanila.
“Balutin mo ako sa liwanag ng iyong pagmamahal.”
‘Yun na!