Thu. Nov 21st, 2024
Admiral Samuel J. Paparo

NAKAHANDA ang Amerika na ipagtanggol ang Indo-Pacific region laban sa mga banta sa kapayapaan at katatagan sa gitna ng agresibong aksyon ng China sa South China Sea.

Sinabi ito ng bagong talagang commander ng United States Indo-Pacific Command (INDOPACOM) na si Admiral Samuel Paparo sa kanyang talumpati sa Change of Command sa Joint Base Pearl Harbor-Hickam sa Hawaii.

Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, ang daanan ng mahigit $3 trilyong haklaga ng kalakal ng iba’t ibang bansa kada taon.

Kabilang sa katunggali ng China sa agawan sa teritoryo ay ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, and Brunei.

Tumaas ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa nakalipas na mga buwan bunsod ng mga pagharang ng China Coast Guard at pambobomba ng tubig nito sa mga barko ng Pilipinas na nasa resupply mission patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Tiniyak ni Paparo na ang kanyang command ay makikipagtulungan sa mga kaalyado at katambal upang mapanatili ang “free and open Indo-Pacific.”

“We will safeguard the international order characterized by transparency, cooperation, and fair competition and the rule of law,” aniya.

“We will strive for the peaceful resolution of any crisis, but make no mistake we will be ready to fight any adversary that threatens the peace, security and well-being of the nation and all our allies and partners,” wika ni Paparo. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *