HINDI hadlang ang kahirapan para maabot ang pangarap.
Lubos ang pasasalamat sa naging tagumpay ni Raymond Omboy Geoman, anak ng construction worker mula sa Dalaguete, Cebu, na nanguna sa April 2024 Registered Electrical Engineers Licensure Examination.
Si Geoman, nagtapos sa Cebu Institute of Technology-University (CIT-U),ay nakakuha ng pinakamataas na passing rate na 95 porsiyento.
“I am super thankful that I was able to get this achievement. My father is a construction worker and my mother is a plain housewife,” sabi ni Geoman sa panayam sa local radio station dyLA.
Pangatlo sa apat na magkakapatid si Geoman.
Maliban sa kanya ay tatlo pang nagtapos sa CIT-U ang nasa Top 10, si Marc Restie Sasan Laput ay pang-anim na may 93.05 porsiyento at si Paul Anthony Manabat Aliasut ay pang-pito na may 92.95 porsiyento.
Si Vijay Manuel de Guma ay nasa ika-siyam na may 92.75 porsiyento.
Nasa Top 10 naman ang nagtapos sa isa pang Cebu-based university, si John Glenn Madrid Jacob, mula sa University of Cebu in Lapu-Lapu and Mandaue (UCLM), ay pangatlo na may 94.10 porsiyento.
Umabot sa 4,436 sa 76,006 examinees ang nakapasa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC). (ZIA LUNA)