Thu. Nov 21st, 2024
Atty. Kristina Conti

PUWEDENG ilabas ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kina Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde anomang oras habang isinasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa libu-libong katao sa ipinatupad na madugong Duterte drug war.

Sinabi ni Atty. Kristina Conti, ICC Assistant to Counsel, na unang kakasuhan ng crimes against humanity sina Duterte, bilang nag-utos at dalawang unang hepe ng PNP ng kanyang administrasyon na sina Dela Rosa at Albayalde na nakapirma sa Oplan Tokhang memorandum.

“That would be the president and the two chiefs of police. The first two chiefs of police so si Bato Dela Rosa na nakapirma sa tokhang memorandum at yung kasunod niya na si Albayalde. Itong tong tatlo kasi na dun pa lang sa preliminary examination, so natapos yung preliminary examination, may findings, may report. Binanggit na dun eh na oo may krimen tapos nag ano na si prosecutor “Mukhang ito yung mga may kasalanan,” lahad ni Conti sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.

Maliban aniya kina Duterte, Dela Rosa at Albayalde ay may maaaring sinisilip din ng ICC investigators ang posibilidad na gumamit ng “death squads” ang PNP sa implementasyon ng Oplan Tokhang.

“And sabi nila (ICC) up to mid level police officers or parte ng hierarchy. Ang itsura din kasi pwedeng sinisilip nila, dalawang posibilities yan diba? Na ang may kasalanan or ang kumakana kung baga. PNP mismo yung hierarchy or act parallel or some group sa PNP na pwede nating maisip na parang ito yung death squads,” sabi ni Conti.

Dapat aniyang pag-isipan ng administrasyong Marcos Jr. ang paninindigan na hindi makikipagtulungan sa ICC.

“Pinoprotektahan ba ng gobyerno ang isa o ilang tao at the cost of international cooperation and commitment? Dapat pag-isipan ‘yan,” aniya.

Binigyan diin ng abogado na nakasalalay kay Marcos Jr. ngayon ang pagpapasya kung papayagan ang PNP ang magsilbi ng ICC warrant.

Mayroon aniyang obligasyon ang gobyerno ng Pilipinas na magbigay ng impormasyon kahit hindi na miyembro ng ICC dahil miyembro ang bansa ng Interpol, na magdadala ng arrest warrant laban sa mga akusado.

Ilang beses na rin inihayag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na sa susunod na buwan hanggang Hulyo ay maaaring ilabas na ng ICC ang arrest warrant laban kay Duterte at susunod na rin ang para sa iba pang akusado. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *