Fri. Nov 22nd, 2024

Atimonan, Quezon – Makasaysayang hakbang ang isinagawa ng Atimonan Historical Society kasama ang Peport ART sa pagtataguyod ng Atimonan Book Fair sa darating na Agosto 4 sa Bulwagang Balagtas, Atimonan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi. Ang pangunahing layunin ng nasabing gawain ay ang pagbibigay halaga sa kahalagahan ng mga libro at pagbabasa sa tunguhin ng positibo at likas-kayang pagbabago hindi lamang sa bayan ng Atimonan o Lalawigan ng Quezon kundi maging sa kanugnog na mga pamayanan.

Ayon sa kanilang opisyal na social media account, “We are making History! ..it is poised to be the biggest event of its kind in Quezon Province. The Atimonan Book Fair aims to emphasize the significance of books and their potential to foster positive and sustainable change in Atimonan and nearby communities.”

Kabilang sa mga kalahok ang mga tagapaglimbag, eksibitor at manlilikha ng mga aklat: Book Writers Club, Dogan’s Book Publishing Services, Isang Balangay Media Productions, Kahel Press, Kawangis Publishing, Kingfisher Komiks, Lampara Books, MSC Litera Club, Pandyan Bookshop Gumaca, RJP Books, Tayabas Studies Center, Southern Voices Printing Press, Vibal Group at marami pang iba.

Gayundin, para sa inspirasyon at dagdag-kaalaman ay inanyayahan ang mga pinakamagagaling sa industriya at batikang tagapagsalita at mga tagapagpadaloy ngayon taon sina: Dr. Xiao Chua, Genaro Gojo Cruz, Marco Antonio Regalo Rodas, Christian Andrew Cervantes, Ronald Verzo, Ruth Valorie Catabijan, Keith Chito, Dian Mancenido, Manny Camara sampu ng iba pa.

Marami din ang mga kaabang-abang liban sa mga libro, may-akda ay mga tampok na gawain kagaya ng Dagat ng mga Aklat – interactive picture book-making-activity for kids, Sining Pandayan – arts and crafts workshop, baybayin tuklasin, meet-and-greet at book signing, mga panyam at lektura, mayroon din paligsahan sa book cover art ang tawag ay Likhaklat, Scriptwriting 101, Creating Children’s books, intro to digital marketing hacks, basic integrated theater arts workshop, at iba pa.

Ang Agosto ay tinakdang buwan ng pambansang wika at buwan din ng kasaysayan. Habang ang Atimonan Historical Society ay dedikadong grupo na naglalayong mapanatili at ipaliwanag ang mayamang kasaysayan at kultura ng Atimonan. Samantala, si “Pepot Art,” Pepot Zamora Atienza ay isang sikat na ilustrador at tagapagtaguyod ng children rights mula sa Atimonan.

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *