Thu. Sep 19th, 2024

TILA patungkol sa lumalaganap na ulat ng umano’y pang-aabuso sa isang male starlet ng dalawang gay executives ang cryptic post ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Naganap daw ang karumaldumal na insidente sa isang malaking pagtitipon na dinaluhan ng pinakasikat na celebrities sa bansa.

Mistulang reaksyon sa kumakalat na blind item na lumabas sa isang sikat na online portal ang IG story ni Ogie: “Anong muntik? May nangyari talaga. Believe me.”

“Wag na pagtakpan. Dapat ipaglaban at makuha ang hustisya para sa inabuso,” he added.

Nag-umpisa ang usapin sa X (dating Twitter) hinggil sa isang kabataang actor na minolestiya ng dalawang gay executives na kumalat sa social media.

Ayon sa ulat, inimbita ng gay executives ang “clueless actor” sa kanilang suite at sinabi sa kanya na may iba pang celebrity na darating.

Nagulat daw ang actor ng walang madatnan celebrity sa silid.

Dito na siya inalok ng inumin ng gay executives na pinaniniwalaang nilagyan ng pampatulog.

Matapos umanong lagukin ang inumin ay biglang nanghina ang actor at wala nang lakas ang ginagawang sekswal na pang-aabuso sa kanya ng gay executives.

“Juice ko, yung ginawa sa biktima, parang nagbabasa ka lang ng Xerex sa Abante nu’ng araw kung ilalarawan mo. Try to imagine,”  giit ni Ogie.

“Basta ang premise, hindi gusto ng biktima ang ginagawa sa kanya kahit nakikiusap siya na ‘wag please, hinahanap na po ako ng girlfriend ko.’” Dagdag ni Ogie.

Pursigido aniya ang ama ng actor na makamit ng kanyang anak ang hustisya at may kinausap ng abogado. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *