Fri. Nov 22nd, 2024

INILUNSAD ng human rights group na Karapatan ang isang social media campaign para panagutin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatupad niyang madugong drug war at counter-insurgency program.

“Libo-libo ang pinaslang ng mga pulis at sundalo noong rehimen ni Rodrigo Duterte, alinsunod sa kanyang madugong polisiya kontra-droga at kontra-insurhensya. Ang mga ito ay paglabag sa karapatang pantao at pandaigdigang makataong batas. Dapat panagutin si Duterte at mga berdugong nagpatupad ng mga krimen na ito,” ayon sa paskil ng Karapatan sa Facebook.

Hinimok ng human rights group ang netizens na magpaskil ng larawan hinggil sa mga krimen at isyu na sangkot ang gobyernong Duterte na dapat siyang singilin at panagutin.

“1.Mag-post ng litrato tungkol sa mga krimeng at isyung sangkot ang gobyernong Duterte, na dapat siyang singilin at panagutin.

  1. Maglagay ng caption sa post gamit ang pangungusap na:

Dapat ikulong si Duterte dahil _________!

  1. Gamitin ang hashtags: #DuterteIkulong #Hustisya”

Batay sa datos ng human rights groups umabot sa mahigit 30,000 katao ang napatay sa Duterte drug war pero ang Philippine National Police ay nagtala lamang ng mahigit 6,000 ang napaslang.

Umuusad na ang isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa naganap na extrajudicial killings sa Duterte drug war at inaasahang maglalabas ito ng arrest warrant laban sa dating pangulo at iba pang alipores niya na nagpatupad ng kanyang kautusan.  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *