Fri. Sep 20th, 2024

Tinanggal na ng Supreme Court ang bilyonaryong si Robert Nazal, Jr. bilang kinatawan ng Magsasaka Partylist.

Si Nazal ang first nominee ng natalong Pasahero Partylist ngunit umano’y nakapagmaniobra para makapanumpa sa Commission on Elections bilang kinatawan ng Magsasaka Partylist kahit hindi siya naging miyembro at kandidato nito noong 2022 elections.

Napag-alaman na si Nazal ay kakutsaba ng pinatalsik sa grupo na si Dexter Villamin bunsod ng pagkasangkot sa multi-bilyong pisong DV Boer Scam.

“Kahit kaunti na lang ang natitirang buwan ngayong 19th Congress, magkakaroon ulit ng boses ang mga magsasaka sa Kongreso,”pahayag  ni Argel Joseph Cabatbat, ang lehitimong first nominee ng partido.

“Maibabalik ulit sa mga magsasaka ang Magsasaka Partylist!” giit niya.

Noon pang Mayo 2024 ang desisyon ng Korte Suprema ngunit ngayon lamang isinapubliko ito. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *