Fri. Nov 22nd, 2024

INALIS ng Korte Suprema ang lisensya ng isang abogado dahil sa paulit-ulit na pagtataksil sa kanyang misis.

Unang inamin ng lalaking abogado na nagkaroon siya ng tatlong karelasyon habang kasal sa kanyang asawa.

Ikinasal pa siya uli sa ibang babae at nagkaroon ng dalawang anak.

Maliban dito, inamin din niyang pinakitaan niya ang kanyang kasambahay at sekretarya ng mga mahahalay na larawan at nakipag-usap sa kanila tungkol sa maseselan na bagay.

Para sa Korte Suprema, maituturing ang mga ito na “grossly immoral conduct” sa ilalim ng bagong Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Disbarment ang sentensiya para sa unang dalawang kaso habang suspension naman para sa huling dalawang kaso.

Pero dahil isang beses lang pwede ma-disbar, pinagmumulta ang abogado ng P400,001.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *