Sat. Nov 23rd, 2024

đź“·Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas

HINDI dapat seryosohin ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi na siya lalahok sa halalan sa 2028, ayon kay Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas.

Giit ni Brosas, nagmana lang si Sara sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpanggap na ayaw tumakbo bilang presidential bet pero naghain ng kandidatura noong 2016 presidential elections.

“Her announcement should be taken with a grain of salt. Hindi kami naniniwala lalo’t mana siya sa tatay niya – kunwari ayaw tumakbo pero kalaunan ay maghahain ng kandidatura,” wika ni Brosas.

Ngunit kapag tinotoo aniya ni Sara na hindi tumakbo sa 2028, ito ang magiginfg pinakalamalaking ambag niya sa bansa, ang iligtas ang Pilipinas mula sa pagpapatuloy ng kanyang pamamahala na ang prayoridad ay ang sarili kaysa kapakanan ng bayan.

“But if Vice President Duterte indeed refrains from running, it would be her greatest contribution to the country, as it spares our nation from a continuation of governance that prioritizes personal interests over public welfare,” sabi ni Brosas.

“Ang hiling ng mga Pilipino ay isang bagong pulitika na magsisilbi sa mamamayan, at hindi yung bulok na pulitika na pansariling interes lang ang binibigyang halaga,” dagdag niya,

Giit ni Brosas, anoman ang ambisyon sa politika ni Sara ay kailangan pa rin niyang harapin, kasama ang kanyang ama na si dating Pangulong Duterte, ang mga isyu sa kanila kaugnay ng war on drugs at mga extrajudicial killings.

“Hindi niya maaaring takbuhan ang malakas na panawagan ng mamamayan para sa hustisya sa mga biktima ng nakaraang administrasyon.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *