Sun. Oct 6th, 2024

BUKAMBIBIG ng mga naghuhuntahan sa isang tanggapan sa Intramuros ang kumakalat dawn a sex video ng dalawang personalidad sa kanilang ahensya.

“Grabe naman si Secret-arya, parang walang pamilya kung umarya,” nadidiring chika ng numero unong Chismosa sa Intramuros.

Kaya pala ganun na lang raw kung mangalampag ng mga liaison officer ng mga ka-deal niyang kompanya ay mahigpit ang pangangailangan nila ni Papa C.

“Ibig mo bang sabihin, hindi kuntento si Secret-Arya sa kanyang asawa na parang amo rin niya na may kerida?’ usisa ng miron sa umpukan.

Marami ang naniniwala sa kasabihan na may dalang kamalasan ang masyadong mahilig sa tawag ng laman at sa mismong tanggapan pa isinasakatuparan.

Kaya tuloy nadamay ang ibang mga empleyado sa mga kabalbalan ng kanilang amo at pati ang inaabangang Christmas party na masaya ay napurnada.

Binuwag daw ng isang miyembro ng gabinete ang kanilang sindikato dahil nabistong maraming pinalulusot na peke ang dokumento kaya nakapananatili ng matagal sa Pilipinas kong mahal.

“Parokyano rin naman kasi ng pekeng dokumento ang kanilang Big Boss kaya naupo sa puwesto,” natatawang  bulong ng isa pang miron.

CLUE:

Parehong may inisyal na J raw ang may hawak ng sex video ng magsing-irog.

Mahilig raw makipag-pulong tungkol sa mga legal na usapin ang lover ni Secret-Arya na nababaliw kay Lady Gaga.

At ang amo niyang may kerida ay tinalikuran ang pagsusuot ng sotana dahil likas ang pagiging bohemyo.

‘Yun na!

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *