Sun. Oct 6th, 2024
Dating BuCor chief Gerald Bantag

HINATULAN ni Las Pinas RTC Judge Harold Huliganga kahapon ang inmate na si Denver Batongbacal Mayores ng dalawa hanggang walong taong pagkabilanggo bilang kasangkot sa pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa noong 3 Oktubre 2022.

Inamin ni Mayores na nakipagsabwatan siya kina dating Bureau of Corrections officials na sina Gerald Bantag at Ricardo Zulueta upang paslangin si Lapid.

Hiniling niya sa hukuman na payagan siyang manatili sa NBI detention bunsod ng isyu sa kanyang seguridad.

Kaugnay nito, humirit si self-confessed gunman Joel Escorial ng mas mababang senstensya at mailipat siya sa Abuyog Penitentiary bago siya magpasok ng guilty plea sa kasong murder.

Nakatakdang magpasya ang korte sa kahilingan ni Escorial sa Pebrero 2024.

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad sina Bantag at Zulueta, parehong inginusong utak sa pagpatay kay Lapid. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *