📷Karapatan Cagayan Valley
PINALAKAS ng testimonya ni ret. Police Col. at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Royina Garma ang obserbasyon ng human rights groups, kaanak ng mga biktima ng malawakang patayan at mga komunidad na may direktang papel si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mass murder ng libu-libong katao sa ipinatupad niyang pekeng drug war.
Sa isang kalatas ay inihayag ng human rights group na Karapatan na ang pahayag ni Garma ay nagpatibay sa kanilang paniniwala na binibigyan ng gobyerno ng pabuya ang pulis na magpapatupad at palalabasing lehitimo ang pagpatay sa mga maralita ng estado.
“Royina Garma’s recent testimony bolsters the observations of kin of EJK victims, communities and rights groups on the direct role of Rodrigo Duterte and the Philippine National Police in the mass murder of thousands in their sham drug war. Her account also affirms the assertion that the government incentivized the police to undertake and legimitize the state-sanctioned killings of the poor,” sabi ni Tinay Palabay, secretary-general ng Karapatan.
Naniniwala ang Karapatan na ang nasabing deklarasyon ni Garma, kasama ang matitibay na argumento, at mga testimonya ng mga pamilya ng mga biktima ng Duterte drug war ay sapat upang manawagan sa International Criminal Court (ICC) na maglabas na ng arrest warrant laban kay Duterte at lahat ng may kinalaman sa mass murder ng mga Pinoy sa kampanya kontra illegal drugs.
“With this, alongside the strong arguments laid before the International Criminal Court by the families of victims, we call on the Court to issue a warrant of arrest against Duterte and all those who perpetrated the mass murder of Filipinos through the war on drugs campaign,” giit ni Palabay.
Dapat aniyang panagutin si Duterte sa libu-libong pinatay sa drug war, daan-daan pinaslang sa counter-insurgency program, milyun-milyong naapektuhan ng “militarized COVID response,” ang mga pamayanan na binayo ng operasyong militar na inilunsad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP), pandarambong sa kaban ng bayan na matingkad sa Pharmally scam at ang malawakang kahirapan ng mga mamamayan sa panahon ng kanyang panunungkulan sa Malakanyang.
“Duterte should be made accountable for the thousands killed in the drug war, the hundreds killed in his counterinsurgency program, the millions who were direly affected by his militarized COVID response, the communities who bore the brunt of military operations undertaken by the NTF-ELCAC, AFP and the PNP, the plunder of public funds as shown in the Pharmally scam, and the widespread poverty of the Filipinos during his term,” wika ni Palabay. (ROSE NOVENARIO)