Fri. Nov 22nd, 2024
Jeffrey “Ka Eric” Celiz

IPINAUUBAYA na ng Mababang Kapulungan sa Senado ang pagpataw ng parusa sa nagbigay ng maling impormasyon kay Sonshine Media Network International (SMNI) host Jeffrey Celiz kaugnay sa gastos sa mga biyahe ni House Speaker Martin Romualdez.

Kinompirma ni House committee on legislative franchises chairperson at Parañaque 2nd District Rep. Gus Tambunting na ikinanta na ni Celiz ang pangalan ng kanyang source na isang Senate worker at ipinabatid na ng mambabatas ang impormasyon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

“Yes, the person exists, na-verify ‘yon, kaya nga napag-usapan sa special meeting that I called after I verified, and the Senate President has been informed about this. The person exists in the Senate, siya po ay nando’n,” sabi ni Tambunting.

“Well that’s for the Senate to (resolve), kasi remember siya ay source ni Eric, at siya ay source ni Eric so palagay ko dapat ang mag-deal d’yan ay ang Senado, siya ho dapat ang mag-imbestiga do’n sa pa’no niya nakuha ‘yong storya na walang katotohanan at fake news,” dagdag niya.

Pinalaya na ng Kamara sina Celiz at co-host niyang si Lorraine Badoy kanina bunsod ng humanitarian considerations.

Unanimous aniya ang nakuhang boto para payagan nang makauwi ang dalawang program hosts ng SMNI.

“Medyo mahaba po yung diskusyon, syempre mayroong hindi sumasangayon, mayroong sumasangayon, merong naga-abstain sa discussion pero sa dulo ho ng usapan, I had to call the vote as to what is the decision of the committee,” ani Tambunting.

“May sulat naman po tayo galing kay Ka Eric (Celiz) (and Badoy) na sila’y humihingi ng paumanhin sa kaniyang ginawa at yan ay nasa committee secretary ay meron naman po siyang, nag comply din naman po siya sa pangalang hinihingi po natin na kaniyang source sa Senado,” aniya.

Ngunit ipagpapatuloy aniya ng komite ang pagdinig kaugnay sa magiging kapalaran ng prangkisa ng SMNI sa susunod na buwan.

May inihaing mga panukalang batas hinggil sa suspension at pagbawi sa prangkisa ng SMNI dahil sa ilang paglabag sa mga probisyon nito.(ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *