đ·Teacher France Castro | Koalisyong Makabayan FB
MARIING kinondena ni dating Congresswoman at MAKABAYAN President Liza Maza ang walang basehang ethics case na isinampa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban kay ACT Teachers Partylist Rep, France Castro.
Ayon kay Maza, bahagi ito ng mga pagtatangka ng kampo ng mga Duterte para maghiganti kay Teacher France na nangunguna sa mga pagsusumikap na ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
Dapat din aniyang panagutin si Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr. sa pagpapatuloy ng mga patakarang pasista ni Duterte sa pamumuno niya sa NTF-ELCAC at pagpapanatili sa posisyon ng mga pasistang opisyal ng militar gaya ni National Security Adviser Eduardo Año.
Ang pagbabato aniya ng mga walang kuwentang mga akusasyon ay malinaw na pagtatakip lamang ng estado sa mga karuma-dumal nitong krimen laban sa indigenous people na ilang dekada nang binobomba, pinapatay at pinatatahimik dahil sa pagtutol sa large-scale mining operations at pangangamkam sa kanilang lupang ninuno, gaya sa Talaingod.
Ang mga kalupitan na ito ang naging dahilan kung bakit sumali si Teacher France sa National Solidarity Mission (NSM) sa Talaingod, ani Maza.
Paliwanag ng MAKABAYAN president,nagtungo si Teacher France sa Talaingod upang iligtas ang mga batang Lumad na nasa matinding panganib.
Nilayon  aniya ng NSM na magbigay ng mga relief goods at imbestigahan ang mga paglabag sa karapatan ng mga Lumad sa gitna ng militarisasyon, food blockade, at aerial bombing sa ilalim ng Martial Law ni Duterte sa Mindanao.
Binigyan diin ni Maza, matagal nang naging matatag na tagapagtanggol ng karapatang pantao ang gurong si France Castro gaya ng ipinakita ng kanyang mga pagsisikap, kasama ng iba pang progresibong mambabatas at mga grupong nakatuon sa layunin, na i-impeach si Sara Duterte para sa katiwalian at mga paglabag sa karapatan.
Sa pagdiriwang aniya ngayon ng  Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, nananawagan ai Maza sa sambayanang Pilipino na suportahan si Teacher France at lahat ng tagapagtaguyod ng karapatang pantao.
Nananawagan din siya sa mga mamamayan na tanggihan ang tiwali at mapang-aping sistemang pampulitika at igiit ang pananagutan, labanan ang panunupil ng estado, at itaguyod ang mga demokratikong karapatan ng bawat Pilipino. Â (ROSE NOVENARIO)