Wed. Dec 18th, 2024

KASUKLAM-SUKLAM kaya’t dapat ipawalang bisa ang memorandum of agreement sa pagitan ng Development Bank of the Philippines (DBP), PhilHealth at Tingog partylist naglalayon umanong palawakin ang imprastraktura ng ospital at pagbutihin ang pagpopondo sa pangangalagang pangkalusugan sa buong bansa.

Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) chairperson at Makabayan senatorial bet Teddy Casiño , ang pagpopondo para sa mga ospital at pasilidad ng kalusugan, bagama’t lubhang mahalaga, pero  tiyak na hindi kailangan ng mga fixer tulad ng Tingog, na kinakatawan ng asawa ni House Speaker Romualdez na si Yedda.

“DBP, Philhealth and Tingog partylist should rescind their odious MOA. Funding for hospitals and health facilities is desperately needed, yes, but definitely no need for fixers like Tingog, represented by House Speaker Romualdez’s wife Yedda, to dip its dirty fingers in the pie,” sabi ni Casiño sa kanyang paskil sa X ( dating Twitter).

Batay sa ulat, sa ilalim ng MOA, ang Tingog ay may tungkulin sa pag-uugnay sa partisipasyon ng local government unit (LGU), pagbibigay ng mga komplementaryong programa sa pagsasanay, at pamamahala ng tulong medikal sa pasyente.

Kinuwestiyon din ni health reform advocate Dr. Tony Leachon ang pangangailangan at kung karapat-dapat na isama ang isang pampulitikang organisasyon sa isang proyektong kinasasangkutan ng pampublikong pondo, lalao na’t papalapit ang 2025 midterm elections.

“This MOA risks turning healthcare financing into a political tool, eroding public trust and compromising the financial stability of PhilHealth,” babala ni Leachon. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *