📷Former Bayan Muna Rep. Neri Colmenares
MAPANGANIB ang ginagawang pagsalakay ng administrasyong Marcos Jr. sa pinaghirapang pera ng mga obrero sa SSS, GSIS at Philhealth para pondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura
“Ginagawang piggy bank ng administrasyon ang pera ng mga manggagawa at kawani para sa mga infrastructure projects nila. These are not government funds but private funds that belong to the members who contributed their hard-earned money for their health and social security needs,” sabi ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.
Labag aniya ito sa mandato ng SSS, GSIS and PhilHealth na nagsaad na may limitasyon kung paano ilalagak sa investment ang kontribusyon ng mga manggagawa sa naturang mga ahensya at ipinagbabawal ang paggamit para sa “general government funding.”
“Bakit gagamitin ang pondo ng mga manggagawa para sa mga infrastructure projects na dapat ay pinondohan ng regular budget? This is both illegal and immoral. The government should properly fund its infrastructure through transparent and accountable means, not by raiding workers’ social security and healthcare funds,” giit ng dating Bayan Muna congressman.
Nanawagan si Colmenares ng kagyat na pagsisiyasat ng Kongreso sa usapin.
“We demand full transparency and accountability. Kailangang malaman ng publiko kung saan napupunta ang kanilang pinaghirapang kontribusyon. These funds should be used to expand benefits and services for members, not to fund the administration’s pet infrastructure projects.”
“We call on all workers and citizens to remain vigilant and resist this brazen attempt to misuse their hard-earned contributions. Hindi pwedeng gawing gatasan ang pera ng mga manggagawa,” wika ni Colmenares. (ROSE NOVENARIO)