Sat. Aug 8th, 2026

šŸ“· DOTr Secretary Vince Dizon

 

INATASAN ni Department of Transportation (DOTr) secretary Vince Dizon ang lahat ng undersecretaries, assistant secretaries, at directors ng kagawaran na magsumite ng courtesy resignation hanggang Pebrero 26, 2025.

Sa isang memorandum, ipinaliwanag ni Dizon na ang hakbang ay upang magkaroon siya ng kalayaan na gampanan ang mandato na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Ferdinand ā€œBongbongā€ Marcos Jr.

Habang hinihintay ang desisyon kaugnay sa kanilang pagbibitiw, kailangang ipagpatuloy ng mga opisyal ang kanilang responsibilidad habang hindi pa inaanunsyo ni Dizon ang magiging pagbabago.

Samantala, isinasailalim sa ebalwasyon ni Presidential Communications Office (PCO) Jay Ruiz ang performance nang dinatnan niyang mga opisyal ng kagawaran.

Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sinabi ni Ruiz na magkakaroon ng balasahan sa kagawaran ngunit wala pa siyang impormasyon kung pinagsusumite rin ang mga opisyal ng kanilang courtesy resignation.

ā€œAs of now, wala pa po tayong natanggap but nagkaroon na po ng meeting at sinabi niya po talaga na magkakaroon ng pagbabago at maaaring may ma-retain, maaaring may mawala. So, hintayin po natin kung ano iyong magiging order ni Sec. Jay Ruiz,ā€ sabi ni Castro sa press briefing sa Palasyo. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *