Sat. Aug 8th, 2026

KUMBINSIDO si Senadora Risa Hontiveros na nanatili pa rin sa Pilipinas ang mga big boss ng Philippine Offshore and Gaming Operators (POGO) dahil hindi pa sila nadadakip o napababalik sa kanilang mga bansa.

Naniniwala si Hontiveros na kaya nagpapatuloy ang gerilya o patagong operasyon ng POGO bunsod ng proteksyon mula sa ilang opisyal ng pamahalaan.

Dahil dito mahigpit na nanawagan si Hontiveros sa pamahalaan na tiyaking masuyod ang lahat ng POGO sa bansa at pananagutin ang sinumang opisyal o empleyado ng pamahalaan na sangkot at nagkakanlong sa mga ito.

Tiniyak ng senadora na hindi niya titigilan ang pangangalampag sa pamahalaan para sa kampanya laban sa POGO upang tuluyan itong mawala sa bansa.

Magugunitang ilang beses nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado ukol sa POGO at agarang inirekomenda ang tuluyang pag-ban na pinakinggan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Matatandaang nagpalabas ng kautusan si Marcos na hanggang Disyembre 2024 na lamang dapat ang operasyon ng POGO sa bansa ngunit hanggang sa kasalukuyan ay may mga operasyon ng POGO na sinasalakay ng mga awtoridad. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *