Sat. Aug 8th, 2026

📷Ang mga Aguilar at Villar noong “happier days” ng kanilang angkan.

 

Matapos marinig sa isang television interview ng pamilya Villar na statistically tied na sina Las Pinas Councilor Mark Anthony at Sen. Cynthia Villar sa kandidatura sa pagka-kongresista sa huling survey nitong Enero, biglang binasag ni Sen. Mark Villar ang matagal na pananahimik at personal na niyang ikinakampanya sa barangay ang kanyang nanay.

Sa one-on-one interview ni Atty. Karen Jimeno kay Santos sa Bilyonaryo TV, maraming kibitzers ng lungsod ang nagtaasan ng kilay matapos marinig ang mga plataporma de gobyerno ni Santos at hindi niya sinisiraan ang kanyang katunggali.

Tahasang inihayag ni Santos sa nasabing panayam ang mga pamboboladas at panloloko na inihahayag sa mga tao ni Sen. Cynthia lalo ang patungkol sa milyun-milyong pisong utang ng kanilang mga kumpanya sa city government ng Las Pinas sa nakalipas ng 14 na taon.

Si Sen. Mark naman ay todo gapang ang  ginagawa sa mga botante ng Las Pinas nitong mga nakaraang araw.

Full force na ang pag i-endorso ng pamilya Villar at Aguilar-Masangkay kay Sen. Cynthia at Rep. Camille Villar-Genuino, matapos parehong lumagapak sa mga survey, ayon sa political observers.

Pero duda ang karamihang residente kung makakatulong nga ba si Sen. Mark sa pag-endorso sa kanyang mataray na nanay o baka lalong nitong hatakin pababa si Sen. Cynthia dahil sa dynasty issue na kulang na lang ay ang ama ng tahanan na si dating Senate President Manny Villar na ang mangampanya.

Matatandaang si Sen. Mark ay naging pangalawa lamang sa 2022 Senatorial elections at si Sen. Loren Legarda ang nanguna sa election results sa Las Pinas. Si Sen. Raffy Tulfo ang pumangatlo sa ranking.

Ang katunggali naman ni Rep. Villar-Genuino sa pangka-Kongresista noong 2022 elections na si Atty. Louie Redoble ay nakakuha ng botong 65,751 kahit walang pondo sa pangangampanya, walang makinarya at walang kandidato sa pagka-mayor at mga konsehal.

Ano ang ibig sabihin at gustong ipahiwatig ng mga resulta ng nakaraang election? Nagsawa na nga ba talaga ang mga botante sa pamilya Villar? Sobrang nakaka-umay na nga ba talaga ang apelyidong Villar sa tatlong dekada silang naka-puwesto?

Posible ngang nagsawa na ang mga tao sa “kasakiman” ng pamilya Villar sapagkat laging laglag sa mga survey itong si Rep. Villar-Genuino kahit ito gumastos na ng lagpas P1 bilyon sa advertisements sa radio, television, social media at newspaper.

Noong 2022 elections, bilyon din ang itinapon ni Sen. Mark sa advertisements para lang manalo sa election. Pumang-anim lang si Sen. Mark sa official result ng election. Nabawi na kaya Sen. Martk ang kanyang ginastos sa tatlong taon niyang pananahimilk sa Senado?

Naturingang pinakamayamang pamilya sa buong bansa itong pamilya Villar pero bakit tila nauungusan pa ng mga Tulfo at Cayetano sa mga survey itong si Rep. Villar-Genuino? Tumatalab nga ba talaga sa mga tao ang dynasty issue sa mga Villar?

Pero ayon sa sources sa kampo ng mga Villar, hindi raw papayag si ex-senator Manny na matalo sa May 2025 midterm elections si Lovely Camille.

‘Ika nga “by hook or by crook” ay kailangan maluklok ang  unica hija niya kesehodang gumasta pa raw siya ng isa o dalawa pang bilyon hanggang sa araw ng halalan.

Ngunit tila wala sa prayoridad ni ex-Sen. Manny ang pagbabayad sa mahigit P80 miyon utang niya sa amilyar sa city hall.

Kabado ang mga taga-Las Pina na baka tuluyan niyang makalimutan ang amilyar ng Mella Hotel kapag natalo ang kanyang unica hija sa eleksyon/

Maraming political observers sa lungsod ang tagtataka hanggang sa ngayon kung bakit hindi sinasama ni Rep. Villar-Genuino ang kanyang asawa at tatay ng dalawa niyang anak na si Erwin Genuino sa campaign sorties.

Hindi kaya kursundad ni Sen. Cynthia na bumuntot si Erwin kay Camille sa nationwide campaign sorties sapagkat talunan itong si Erwin ng tumakbo ito bilang Mayor sa lungsod ng Makati noong 2010 elections?

Ikinahihiya kaya ni Sen. Cynthia ang kanyang son-in-law na si Erwin at ang kanyang dalawang apo samantalang mga kamukha naman ito ng senadora?

Sa limang miyembro ng pamilya Villar, ang hindi na lang lumalabas para ikampanya si Sen. Cynthia at Rep. Villar-Genuino ay ang anak na lalaki at bachelor na si Paolo Villar. All in the family na sana.

Si ex-senator Manny ay hindi na kailangang mangampanya para sa unica hija sapagkat matagal na siyang expose sa mga botante dahil kasama na ang senador sa mga campaign advertisement ni Rep. Villar-Genuino na ‘Dapat na may bago’.

Ang tanong ng advertising agencies, bakit lagi si ex-senator Manny ang kasama sa campaign advertisements at hindi si Sen. Cynthia kahit nang tumakbo si Sen. Mark noong 2022 elections?

Kinakabog kaya si Rep. Villar-Genuino kapag kasama sa advertisement ang senadora na paboritong banggitin ng mga stand-up comedian sa kanilang show?  (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *