Thu. Nov 21st, 2024
Bayan Muna Chairman Ner Ciolmenares

HINDI sagot sa mga suliranin sa kahirapan ng Pilipinas ang Charter change (Cha-cha), bagkus ay lalo itong magpapalala sa kondisyon ng ekonomiya dahil bubuksan ang bansa sa ibayong dominasyon ng mga dayuhan.

Pahayag ito ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa planong pagsusulong ng Cha-cha ng Kongreso.

“This reported new attempt at Cha-cha will not solve the problems of poverty in the country but will only worsen our economic conditions as it opens up the country to further foreign economic domination,” sabi ni Colmenares.

Pinilay aniya ng Rice Tariffication Law ang mga magsasaka at agrikultura nang ibuyangyang ang bansa sa murang bigas mula sa China at Vietnam ngunit hindi naman napababa ang presyo ng bigas para sa mga konsyumer.

“The Rice Tariffication Law crippled the farmers and agriculture as it opened the country to cheap rice from China and Vietnam but did not substantially lower the price of rice for consumers,” aniya

Sa kasalukuyan ay halos P60 kada kilo ang presyo ng pinakamurang bigas sa pamilihan.

Magiging delubyo para sa susunod na henerasyon kapag lalong bubuksan ang ekonomiya sa dambuhalang kompanya ng pagmimina at mga korporasyon na magkokontrol sa public utilities, media, paaralan at bibilhin ang mga lupain sa bansa.

“Further opening up our economy to big mining firms and corporations that will control our public utilities, media, schools and even buy our lands will be a disaster for Filipinos and the next generation,” anang dating mambabatas.

“Ang ating kahirapan ay hindi nag mula sa Konstitusyon, kaya ang pag amyenda dito ay hindi solusyon. Kung hindi maresolba ang korapsyon, kawalan ng lupa at suporta sa magsasaka, at kontraktwalisasyon, Hindi tayo uunlad kahit sampung beses pa sila mag Cha-cha taun-taon.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *