Tue. Jun 9th, 2026

NAG-BOOMERANG kay Vice President Sara Duterte ang pagbatikos niya sa pagpunta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsunog sa illegal drugs na nagkakahalaga ng mahigit P9 bilyon sa Tanza, Cavite.

Ayon kay VP Sara, “‘Hindi trabaho ng Presidente ang pag-photo ops sa nahuli na drugs at mag-photo ops sa pagsira na nahuli na drugs, kasi maganda sa paper, maganda sa picture hindi ganoon, dapat paniguraduhin mo na gumaganda ang buhay ng bawat Pilipino.”

Buwelta ni Palace Press Officer Claire Castro, “Mas maganda po siguro talaga na pasinayaan at makita mismo ng Pangulo ang pagsira sa mga illegal na droga na ito kaysa po walang gawin sa mga nawalang illegal na droga sa magnetic lifter. Kailan nga ba ito nawala? 2018 iyan.”

Matatandaan na nakapuslit sa Bureau of Customs ang halagang P11 bilyong shabu sa anim na magnetic lifter noong 2018.

Ikinaila pa ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte na may lamang shabu ang magnetic lifter taliwas sa resulta ng imbestigasyon ng ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may bakas ng shabu ang mga magnetic lifter kahit inabutan nila na wala nang laman.

Ipinaalala rin ni Castro kay VP Sara na ang kanyang ama ay naging saksi rin sa pagsunog sa P7.5 -B illegal drugs sa Cavbite noong 2020.

“Baka po nakalimutan din po ng Vice President na ang kanyang ama ay nagkaroon din po ng pagwi-witness sa incineration ng 7.51 billion dangerous drugs sa Cavite. Ito po, baka po nakalimutan niya po ito, baka puwede natin palakihan. Kailan po ba ito? Wait lang 202o lamang. So, baka nakalimutan po ito ni Vise Presidente,” sabi ni Castro habang ipinakikita ang larawan ng event sa press briefing.

“So, ang pagtatrabaho po naman ay hindi dapat itago dapat nakikita ng taumbayan, dapat nagre-report ang Pangulo sa taumbayan,” wika pa ni Castro. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *