Tue. Jun 9th, 2026

TUMANGGI ang Australia na kupkupin si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kapag inaprobahan ang petisyon niyang magawaran ng interim release ng International Criminal Court (ICC).

Nabatid sa ulat ng Philstar.com na batid ng Australia ang petisyon ni Duterte para pansamantalang palayain mula sa ICC detention center sa The Hague, Netherlands ngunit hindi ito pumayag na maging host ng dating pangulo at ni hindi ito ikinokonsidera.

“Australia sees Duterte’s application for provisional release as a matter for the ICC to consider under the Rome Statute, the founding treaty of the court, which Australia is also a party to.”

Sa isinumite na petition for interim release ni Duterte noong Hunyo 12, binanggit ng mga mga abogado na may isang bansa na sumang-ayon na kumupkop sa kanya sa panahon ng pansamantala niyang kalayaas at magpapatupad ng mga kondisyon para sa interim release pero hindi tinukoy kung saan ito sa dokumento.

Nauna rito’y sinabi ni Vice President Sara Duterte sa panayam sa Melbournes na isa ang Australia ay nasa listahan ng mga bansang pinagpipilian ng mga abogado ng kanyang ama na maging host country para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Tinangka ni VP Sara na makipagkita kay Australian Foreign Minister Penny Wong ngunit hindi natuloy dahil may ibang iskedyul si Wong.

Sa pagkontra sa hirit na interim release ni Duterte, sinabi ng ICC prosecution na ang ipinanukala niyang bansa na magsisilbing host country ay kapos sa “extensive history of cooperation” sa ICC at hindi maayos na maipapatupad ang mga kondisyon sa pansamantalang kalayaan. (ROSE NOVENARIO)

 

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *