Fri. Feb 13th, 2026

📷: Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) Hydroelectric Power Plant | CBKPOWER.COM

 

NANAWAGAN si dating Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kongreso na imbestigahan ang pagbebenta sa napakababang halaga sa 796.64 MW Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) Hydroelectric Power Plant sa isang “oligarko.”

Tinawag ni Zarate na  “sweetheart deal” sa pagitan ng Aboitiz-led Thunder Consortium at ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corp. ang pribatisasyon sa 796.64 MW Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) Hydroelectric Power Plant.

“Nananawagan kami ng agarang imbestigasyon para matigil na ang pagbebenta ng ating mga pangunahing yaman sa mga malalaking negosyante. Pag-aari ito ng mamamayan, hindi ng iilan,” ani Zarate.

Kinuwestiyon ni Zarate ang winning bid ng Aboitiz group na na napakababa sa halagang P36.266 bilyon, napakalayo sa $1 billion mark, kahit na ang CBK ay isang prime government asset na halos limang beses ang kapasidad kompara sa kamakailan ay isinapribadong 165 MW Casecnan Hydroelectric Power Plant.

Ang Casecnan plant ay isinapribado sa halagang $526 milyon (halos P30 bilyon), kaya’t ang presyo ng CBK ay barya lamang.

“It doesn’t add up. CBK is a strategic asset with almost 800 MW capacity and pumped storage, yet it was privatized for less than $1 billion. When you compare it to the Casecnan Hydro, which has less than a fifth of CBK’s capacity but fetched over half a billion dollars, the disparity is glaring and reeks of a sweetheart deal,” sabi ni Zarate.

“Halos limang beses ang kapasidad ng CBK kaysa Casecnan, pero parang barya lang ang binayad dito. Saan napunta ang tunay na halaga ng asset ng taumbayan? Dapat imbestigahan ito ng Kongreso at ng taumbayan mismo. Hindi dapat basta-basta na lang ibinibigay ang ating mga pampublikong pag-aari sa mga oligarko,. Ito ang problema sa pribatisasyon tapos ang sisingilin ng malaki ay ang taumbayan tulad ng nangyari sa EPIRA  at Primewater”  giit ni Zarate.

Ito aniya ay matagal nang pattern ng pagsasapribado ng mga pangunahing public utilities sa kapinsalaan ng mamamayang Pilipino, at pabor sa malalaking interes ng negosyo.

“Deals like this only serve to increase the stranglehold of oligarchs over our country’s energy sector, at the cost of higher electricity rates and less accountability to the public. We cannot allow the government to simply give away strategic public assets for a song,” ani Zarate. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *