Thu. Nov 21st, 2024
Sen. Ronald “Bato” dela Rosa

HINDI na kayang maitago ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang kaba sa isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga patayang naganap sa madugong Duterte drug war na naging hepe ng pambansang pulisya ang senador.

Inihayag ito ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa gitna ng iba’t ibang reaksyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu na nakapasok na ang mga imbestigador ng ICC sa Pilipinas.

“Kumbaga palagay ko ramdam na ramdam naman na, hindi naman na niya (Dela Rosa) kayang maitago,” ani Trillanes sa Facts First with Christian Esguerra program.

“Ang problema kasi sa mga ito,naalala ko kasi how they look nung panahon nila, kung gaano kasisiga. Akala mo mga manok lang ang pinapatay , may mga “sunugin nyo nyan. Kahit hindi lumalaban, palabanin nyo. Lagyan nyo ng baril” Parang ganun ang eksena tapos ngayon, nanginginig kayo sa takot?” dagdag niya.

Pinagdudahan ni Trillanes ang “blind obedience” ni Dela Rosa at mga nagpatupad ng Duterte drug war.

“Yun na lang basic eh. Kung pinalaki ba ang mga ito ng maayos? Dapat sinabi nila kay Duterte,”Mr. President, mali ‘yan. Kung gusto talaga natin tanggalin ang droga, iba ang paraan. Hulihin natin ang mga druglord.” Kaso yung mga druglord, kaibigan ni Duterte, so untouchable. Kaya nga Si Acierto tuloy ang pinahuli kasi naglakas loob siya na habulin yung mga druglord na ka-partner ni Duterte. Eh di binaligtad siya. So that’s the tragedy of the matter,” paliwanag ng dating senador.

Matatandaan si dating police Col. Eduardo Acierto ang nag-akusa kay Michael Yang, dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na sangkot sa drug syndicate at kalaunan ay nagtago noong huling mga taon ng nakaraang administrasyon.

Inihayag kahapon ni Dela Rosa nawala siyang nakikitang dahilan para magtago sa anuman imbestigasyon lalo na’t malabong mapatunay na siya ay mayroong sala sa anumang krimeng inaakusa laban sa kanya.

Ngunit hindi pa rin kumbinsido si dela Rosa na nasa bansa na ang mga kinatawan ng ICC lalo na’t wala pa namang kumpirmasyon maliban lamang sa impormasyong inihayag ini dating Presidential Adviser Harry Roque.

Sa sandal aniyang makompirna na nasa bansa nga ang mga kinatawan ng ICC ay kaniyang itatanong sa Department of Justice (DOJ) kung ito ay batid nila at may basbas silang anumang uri ng imbestigasyon.

Kapag malaman niyang may basbas ng DOJ ay agarang makikipagtulungan siya sa mga ito sa sa sandalling tawagan siya at kung walang basbas ng DOJ, kanyang hihilingin sa Bureau of Immigration (BOI) ang agarang pagdeklara sa mga bilang undesirable allien upang agarang mabalik sa bansang kanilang pinagggalingan. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *