Sat. Mar 14th, 2026

Nanawagan ang International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) sa International Criminal Court (ICC) na agarang maglabas ng arrest warrants laban kina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Christopher Lawrence “Bong” Go, at iba pang dating opisyal ni Duterte na tinukoy bilang umano’y mga co-perpetrators sa crimes against humanity kaugnay ng kampanya kontra droga.

Sa Document Containing Charges na isinumite ng ICC Office of the Prosecutor noong Hulyo 2025 laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, pinangalanan sina Dela Rosa, Go, at iba pa bilang co-perpetrators, ngunit nanatiling naka-redact ang kanilang mga pangalan hanggang Pebrero 13, 2026.

Kabilang sa mga tinukoy sina Vicente Danao, Camilo Cascolan, Oscar Albayalde, Dante Gierran, Isidro Lapeña, at Vitaliano Aguirre II, na karamihan ay mula sa Davao team ni Duterte bago lumipat sa pambansang posisyon noong 2016.

“ICHRP calls for the ICC to urgently issue arrest warrants for Dela Rosa, Go and the others named so that they can also face trial, along with their boss Duterte,” ayon kay ICHRP chair Peter Murphy.

“It remains abundantly clear that the Philippine judicial system is unable to prosecute these alleged co-perpetrators. While still at large they are a risk for destruction of evidence, intimidation of witnesses and also flight risks.”

Binanggit niya na hindi kayang usigin ng sistemang hudisyal ng Pilipinas ang mga naturang personalidad, at binalaan na sila’y maaaring magtago ng ebidensya, manakot ng mga saksi, at tumakas.

Si Dela Rosa, na nagsilbing hepe ng pulisya sa Davao sa ilalim ni Duterte at naging Chief ng Philippine National Police mula 2016 hanggang 2018, at si Go, matagal na aide at special assistant ni Duterte, ay kabilang sa mga inaakusahan na nagbigay-daan sa marahas na kampanya kontra droga.

Binanggit din sa dokumento ng ICC ang “ibang mga kasapi ng PNP at mataas na opisyal ng pamahalaan” na sangkot umano sa mga krimen.  (ROSE NOVENARIO) 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *