Sun. Jul 12th, 2026

📷: Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol

 

Humiling si Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol na makapag-call sa bawat senator-judge ng sampung minute, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

“May notice na galing sa office ni SP Win Gatcahalian na nagre-request na gusto ni Tongol na mag-call sa senator-judges kahit tig-10 minutes , sa mga available,” sabi ni Lacson sa panayam sa DZBB.

Ang hirit ni Tongol ay kasunod ng puna ni Lacson sa kanya sa pagsaway sa publiko sa mga senator-judge sa posibleng sub judice na mga pahayag.

Para kay Lacson, mainam na rin na makausap ni Tongol ang bawat senator-judge upang magkalinawan hinggil sa mga patakaran sa impeachment trial  para maiwasan ang paglabag.

“Dapat noon pa nga ‘yun nga nabanggit ko na rin sa ibang interview na para maiwasan ang conflict, mga panuntunan dyan , dapat merong rules, maliwanag ang rules. Nai-communicate properly ang rules naiintidihan ang rules at saka hindi na-violate ang rules,” ani Lacson.

Nauna rito’y tinawag ni Lacson na “uncalled for” ang pagkomento ni Tongol sa mga usapin gaya ng Facebook post ni Sen. Robinhood Padilla, dahil siya ang tagapagsalita ng Hukuman at hindi ang kritiko nito.

“It is not in his space to call the attention of senator-judges to adhere to Rule 18 of the Rules of Procedure on Impeachment Trials, even sounding like he was admonishing Sen. Padilla for his FB comments,” diin ni Lacson sa panayam sa DZMM noong Sabado, Hulyo 12.# (ROSE NOVENARIO)

By admin