Tue. Jul 14th, 2026

📷: House Prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua

 

Nilabag ni Vice President Sara Duterte ang kanyang oath of office nang pagbantaan niya si Pangulong Bongbong Marcos, na pinuno ng ating bansa.

Nilinaw ito ni House Prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, batay sa Section 5 Article 7 ng Konstitusyon na nakasaad sa oath of office ng pangulo at bise presidente na ipatutupad nila ang batas.

“Maliwanag na nakalagay sa ating Saligang Batas Section 5 Article 7, yung oath of office ng presidente at bise presidente. Remember, dalawa lang ang nakalagay dito, presidente, vice president or acting president. Sila lang ang may oath of office nag anito, nakalagay o nakapaloob sa ating Saligang Batas,” sabi ni Chua sa panayam sa ANC.

“Ang sinasabi roon, they will execute the law, eh ang pagbabanta ba ay pag-e-execute ba  yan ng law? Ang linaw-linaw eh,” dagdag niya.

Ipinunto rin ni Chua isa pang atraso ni VP Sara ay ‘betrayal of public trust” dahil ang pinagbantaan niya ang head of the state.

“Isa pa, betrayal of public trust ,isipin mo ang ginawa niya, ang pagbantaan ang head of the state. Ang head of state, siya ang nagre-represent ng ating bansa. Siya ang mukha ng ating bansa. Would you imagine the second highest ranking official of our country, threatening the commander-in-chief of our army,” paliwanag ni Chua.

Iginiit ng kongresista na ang record ng pamilya Duterte na nagpapakita aniya na may kapasidad si VP Sara na isakatuparan ang kanyang pagbabanta sa pangulo.

“Lahat ng threat sa ating pangulo ay national security concern. Hindi ito puwedeng balewalain Hindi kailangan iutos ng presidente, o kahit ninuman. Automatic yan dapat iniimbestigahan kahit simpleng banta lamang , much more kung alam natin na may kapasidad , makikita naman natin ang record ng pamilya ng ating bise presidente. Nasaan ang kanyang ama? Anong kaso ang kinakaharap ng kanyang ama, EJKs,” wika ni Chua.# (ROSE NOVENARIO)

By admin