TINULIGSA ni Pope Francis ang mga kritiko ng kanyang desisyon na hayaan ang mga pari na bigyan ng basbas o blessing ang same-sex couples.
“I do not bless a ‘homosexual marriage’; I bless two people who love each other, and I also ask them to pray for me,” sabi ng Santo Papa sa panayam sa Italian weekly magazine Credere.
Ang blessing aniya ay para sa lahat at hindi dapat ipagkait.
Paliwanag ng Santo Papa, mas masahol ang kasalanan ng isang nagpapanggap na mabuti, ngunit hindi naman.
Wala aniyang naeeskandalo kapag binigyan niya ng blessing ang isang negosyante na maaaring nagsasamantala sa mga tao, na isang malaking kasalanan, ngunit kapag sa homosexual niya ipinagkaloob ang blessing, naeeskandalo ang iba, na isang kaipokritohan.
“The gravest sins are those that disguise themselves with a more ‘angelic’ appearance. No one is scandalised if I give a blessing to an entrepreneur who perhaps exploits people: and this is a very serious sin. Whereas they are scandalised if I give it to a homosexual… This is hypocrisy! We must all respect each other. Everyone!’ aniya. (ZIA LUNA)