Thu. Nov 21st, 2024
First Lady Liza Araneta -Marcos

TILA pinarunggitan ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos si dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang “class.”

Sa kanyang talumpati sa LAB for ALL na ginanap sa San Fernando City, La Union kamakalawa, sinabi niya na hindi na uso ngayon ang paninira, pambabatikos at pagpapakalawa ng mga nakasasakit na salita.

Ang mga Pinoy aniya, mayaman man o mahirap ay may kaunting “class” naman.

Mahigit isang linggo na ang nakalipas, sa prayer rally sa Davao City,sa kanyang talumpati ay  minura at tinawag na drug addict ni Duterte si Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pinagbantaan pa niyang napasama sana sa extrajudicial killings sa kanyang drug war kung president pa siya hanggang ngayon.

Nagbabala pa siya na mapapatalsik si Marcos Jr. at hinimok ang mga taga-Mindanao na sumama sa kanya na magbuo ng hiwalay na republika.

Sa anim na taon ng kanyang administrasyon, naging kostumbre ni Duterte ang magmura at magbato ng masasakit na salita laban sa kanyang mga kritiko at mga institusyon at personalidad na hindi niya kursunada. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *