NAPAULAT na isang umano’y memorandum na mula sa Presidential Management Staff ang humiling ng performance review sa lahat ng presidential appointees kamakailan kasunod ng matinding pagbatikos ni ex-President Rodrigo “Digong” Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Maraming opisyal ng administrasyon, mga mambabatas at mga lokal na opisyal ay dumalo sa Bagong Pilipinas kick-off rally ni Marcos Jr. sa Quirino Grandstand sa Maynila pero si National Youth Commission (NYC) Chairperson at Chief Executive Officer Ronald Cardema, mas pinili ang dumalo sa kasabay na Prayer Rally sa Davao City na inilunsad ng mga Duterte noong 28 Enero 2024.
Sa naturang pagtitipon na dinaluhan ni Cardema, nanawagan si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na magbitiw na si Marcos Jr.
Habang si Digong ay binansagang drug addict, bangag si Marcos Jr. at pinagbantaan pa siyang mapabilang sa datos ng extrajudicial killings (EJKs) kung siya pa ang pangulo ng bansa at nagbabala pa na babagsak ito tulad ng amang si Marcos Sr.
Inilako rin ni Digong sa prayer rally ang planong pagbuo ng Mindanao bilang hiwalay na republika sa Pilipinas dahil dito siya magtatago kapag inilabas na ng International Criminal Court (ICC) ang warrant laban sa kanya sa kasong crimes against humanity bunsod ng madugong drug war na kanyang ipinatupad. (ROSE NOVENARIO)