Thu. Nov 21st, 2024
Atty. Kristina Conti

HINDI lihim na isa sa mga pangunahing motibo sa pagpunta sa iba’t ibang bansa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay para ibangon ang pangalan ng kanilang pamilya sa international community.

Ilang political observers ang nagpupustahan ngayon kung isasakripisyo ba ni Marcos Jr. ang kanyang layunin upang protektahan si ex-Pres. Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court (ICC).

Para kay Atty Kristina Conti, isa sa mga abogado ng mga naulila ng mga biktima ng madugong Duterte drug war, posibleng kumilos ang international community para mapilitan si Marcos Jr. na isuko ang dating pangulo upang humarap sa paglilitis sa kasong crimes against humanity sa ICC.

Sakaling maglabas ng arrest warrant ang ICC laban kay Duterte at iba pang akusado at magmatigas ang administrasyong Marcos Jr. sa hindi pagpapatupad nito, puwedeng i-pressure ito ng international community sa pamamagitan ng extradition, pagkuwestiyon sa iba’t ibang bilateral agreement at membership ng Philippine National Police sa International Criminal Police Organization (Interpol).

Nagbanta kamakailan si Duterte na manlalaban kapag nagtangka ang ICC na arestohin siya na hindi naman nakagugulat lalo na’t napaulat na may mahigit 300 baril na nakarehistro sa kanyang pangalan. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *