IPINAGBABAWAL na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa national roads ang mga e-vehicles at iba pang kauring sasakyan nito na ginagamit sa transportasyon.
Ito ay matapos na pagtibayin ang isang resolution ng Metro Manila Mayors ukol sa pagbabawal sa e-vehicles na dumaan sa national road.
“Traversing of e-vehicles, such as e-bikes and e-trikes, as well as tricycles, pedicabs, pushcarts, and kuligligs on national roads, circumferential, and radial roads in Metro Manila will be prohibited,” bahagi ng MMDA Regulation No. 24-022 series of 2024.
Kabilang sa mga daan na ipinagbabawal at maaring hulihin ang e-vehicles na sakop ng MMDA ay ang mga sumusunod;
1.. C1: Recto Avenue
- C2: Pres. Quirino Avenue
- C3: Araneta Avenue
- C4: EDSA
- C5: Katipunan/CP Garcia
- C6: Southeast Metro Manila Expressway
- R1: Roxas Boulevard
- R2: Taft Avenue
- R3: SLEX
- R4: Shaw Boulevard
- R5: Ortigas Avenue
- R6: Magsaysay Blvd./Aurora Blvd.
- R7: Quezon Ave./Commonwealth Ave.
- R8: A. Bonifacio Ave.
- R9: Rizal Ave.
- R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
- Elliptical Road
- Mindanao Avenue
- Marcos Highway
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang sinumang lalabag ay maaring magmulta ng sa P2,500.
Ibinunyag ni Artes na required na rin na mayroong lisensya ang sinumang magmamaneho nito at kailangang ipresenta ang kanilang lisensya kung sila ay sisitahin at kung walang maipakitang lisensya ay i-impound ang sasakyan.
“Due to the proliferation of e-vehicles, the MMC deemed it imperative to regulate and penalize those who will traverse the national roads using such means of transportation,” ani Artes
Binigyang-linaw ni Artes na ang pagpasa ng naturang resolution ay para sa kaligtasan ng iba pang mga motorista hindi lamang sa mga pasahero ng e-vehicles.
“We are not totally banning the use of e-vehicles; we just want to regulate it since it has been a common cause of traffic and road crash incidents,” giit ini Artes..
Batay sa datos ng MMDA noong nakaraang taon ay nakapagtala ng 554 road crash incidents na sangkot ang e-vehicles.
Ang naturang regulasyon ay sisimulang ipatupad sa Abril na kung saan sa kasalukuyan ay ipapalama muna ito sa publiko.
Samantala nakatakdang magpasa rin ang local Government Units (LGU) sa Metro Manila ng ordinansa kaugnay nito para sa mga secondary at other inner roads na kanilang nasasakupan.
Tiniyak ni San Juan City Mayor at MMC President Francis Zamora na magpapasa ang lahat ng NCR local chief executives kaugnay ng naturang regulasyon upang mawala ang anumang pagkalito at maging iisa lamang ang kanilang ipapatupad. (NINO ACLAN)