Thu. Nov 21st, 2024

NATAGPUANG buhay pero bugbog-sarado ang dalawang environmental activists na dinukot noong Linggo ng gabi sa San Carlos, Pangasinan.

Sa joint statement na inilabas ng iba’t ibang progresibong organisasyon, nakasaad na matapos ang tatlong araw na puspusang paghahanap kina Francisco “Eco” Dangla III  Joxelle “Jak” Tiong, pawang  environmental rights defenders at church workers, natagpuan  silang bugbog-sarado at wala na sa mga kamay ng mga dumukot sa kanila.

“While they are still reeling from their harrowing ordeal, we hope that in due time, Eco and Jak will be able to fully recount the details of their abduction and subsequent release. Their captors should desist from making any attempts to further harass them,” sabi sa kalatas.

Lubos ang pasasalamat nila sa mga sumuporta sa mga panawagan na ilabas sina Eco at Jak kasabay nang pagtiyak na kaisa sila sa pinagdaraanan ng mga pamilya ng dalawang aktibista.

“We extend our gratitude to all those who supported calls to surface Eco and Jak. Your swift and resolute actions have been invaluable confronting this challenging time. To Eco and Jak and their families, we stand steadfast in solidarity throughout this difficult period.”

Kaisa ang mga grupo sa paghingi nina Eco at Jak ng hustistya at dapat managot ang mga responsable sa kanilang  pagdukoyat pag-tortyur sa kanila.

Ang naturang insidente ay patunay anila na ang terrorist-tagging ay nagbubunga ng mas malalalim na paglabag sa karapatang pantao kabilang ang sapilitang pagkawala.

“This pattern of attacks against environmental activists, human rights defenders and whole communities, in the context of the prevalent climate of impunity and socio-economic ills, shows that the rights situation in the Philippines remains dire under the Marcos Jr. administration,” giit ng mga grupo.

“We demand an end to attacks on environmental defenders and activists, and to surface all desaparecidos. Hands off our environmental and human rights defenders!”

Kabilang sa mga lumagda sa joint statement ay sina Rep. Raoul Manuel, Kabataan Partylist; Rep. France Castro, ACT Teachers Partylist; Alyssa Darunday, Kalikasan Peoples Network for the Environment; Lia Mai Torres, Center for Environmental Concerns Executive Director; Cristina Palabay, Karapatan Secretary General; Raymund Basilio, Alliance of Concerned Teachers Secretary General; Minnie Anne Calub, National Council of Churches in the Philippines General Secretary ; Pia Montalban, Karapatan Central Luzon; Leah Valencia, Promotion of Church People’s Response at Eufemia Doringo, Kalipunan ng Damayang Mahihirap. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *