Sat. Nov 23rd, 2024
Dating Sen. Antonio Trillanes IV

DAPAT imbestigahan ng Kongreso ang “linyang China” ni dating presidential spokesman at ex-human rights lawyer Harry Roque, para magkaalaman na kung ano ang mga detalye ng “secret deal” nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Tugon ito ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa ibinulgar ni Roque na may “gentleman’s agreement” sina Duterte at Xi na nagsasabing nangako ang dating pangulo sa Chinese leader na hindi magdadala ng construction materials sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Trillanes, kailangan din matuldukan na ang pagiging “whipping boy” nila ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa tuwing may kinakaharap na problema si Duterte at inililihis ang katotohanan kaugnay sa Scarborough Shoal.

Taliwas aniya sa ipinangangalandakan ni Roque na nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal bunga ng kanyag backchannel talks sa Beijing,  ang katotohanan aniya ay ito ang naging ugat ng 2016 arbitral ruling na nagpawalang bisa sa nine-dash line ng China na ginagamit para angkinin ang kabuuan ng South China Sea.

“Almost  100 ships ang nag-swarm sa Scarborough pero nawala ‘yun. Nawala sila, humupa ang tension and who owns Scaborough? Tayo pa rin. Wala silang reclamation dyan, walang mga fishing vessels or Coast Guard ships ng China sa loob ng shoal. Tatlo ang naiwan doon sa labas,” ani Trillanes sa panayam sa ANC.

“That was the mistake of China because of those three na , nagsisi sila na nag-iwan sila ng tatlong barko sa labas, doon tayo nag-file ng arbitration case si President Aquino and ayun na ngayon, na-negate yung kanilang 9-dash line forever because of that mistake. Yun ang template mo, hindi ibig sabihin na if you stand on your ground, eh magkakagiyera,” dagdag niya.

Puwede aniyang gamitin ng administrasyong Marcos Jr. na template ang nangyari sa Scarborough Shoal sa isyu ngayon sa Ayungin Shoal.

Kaugnay nito, tinawag ni Trillanes na patibong ng China ang mungkahi ni Roque na decommissioning ng BRP Sierra Madre.

“That’s a trap. That’s what China wants. Remember kaya hindi ginagalaw ang BRP Sierra Madre kahit technically kayang-kayang i-overrun ng PLA yan, ng Chinese armed forces, but dahil commissioned ship siya ng Phil. Navy, mati-trigger ang Mutual Defense Treaty. If we decommission that, it will become vulnerable. Puwede na sila i-harass nang i-harass hanggang mag-alisan ‘yan,” paliwanag ng dating senador.

“Kapag AFP personnel kasi talagang they hold their ground. They stand their ground hanggang mamatay yan, kaya nila yan. Kapag naglagay tayo ng civilians dyan, syempre kapag takutin , tumalon na lang sa lifeboat at i-abandon ang post.”

Nanawagan siya na ibalik ang Navy personnel sa BRP Sierra Madre upang maalagan ang barko at hindi tuluyang mabulok.

“Ang pinakamalaking pagkakamali ng GMA administration ay ‘yung tinanggal nila ang Navy personnel doon sa BRP Sierra Madre at pinalitan nila ng mga Marines.  Yung mga Marines, magalin ‘yan sa mga digmaan pero they don’t know anything about maintaining a Navy ship.”

“They thought that was an outpost kaya ang nilagay nila ay Marines. Puwede ka naman maglagay ng Marines squad diyan pero dapat Navy personnel andoon pa rin. That’s what they do, marunong silang mag-maintain ng naval guns, ng deck kaya nakita nyo parang dilapidated. Hindi nangyayari yan sa Cavite Naval base kasi instinctive ang maintenance culture ng Navy.”  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *