Fri. Nov 22nd, 2024
Entabladong ginamit sa Ginoo at Binibining Balagtas 2024

NAKARARANAS ng physical at emotional trauma ang isang TV anchor na nahulog sa entablado sa ginanap na Ginoo at Binibing Balagtas 2024 noong Easter Sunday dahil bukod sa sakit ng ulo at katawan, ipinakalat pa ng ilang residente ng munisipalidad ang video clip ng aksidente at ginawa pa siyang katatawanan.

“It came to my attention that some groups in Bulacan (including some so-called friends) are having a field day spreading this video of my almost lethal fall from Balagtas, Bulacan’s Municipal Pageant Stage,” caption ni Joee Guilas, TV anchor, sa Facebook reel ng video ng insidente na kumalat sa social media.

“OK let me help you in spreading this, people. Here’s the clip. I hope viewing this video will make you understand the amount of physical and emotional pain this has caused me. And as you all laugh t how funny this may look, I also pray for each one of you not to experience this traumatic and horrible nightmare in your entire lifetimes. Take good care, and God bless you all,” paliwanag niya.

Si Guilas ay inimbitahan para magsilbing chairman ng board of judges sa ginanap na Ginoo at Binibining Balagtas 2024 noong 31 Marso 2024 sa Balagtas, Bulacan.

Sa hiwalay na paskil sa Facebook, inilahad niya ang istruktura ng entablado na tinawag niyang “Pageant Stage of Death” na sa umpisa pa lamang ay napansin na niyang mukhang may diprensya na.

“The moment I got to the venue, I already noticed a major flaw on the stage design. The elevated stage, about 5-feet in height, will have participants manoeuvring across three narrow runways which were separated by two large rectangular pits. It was a disaster just waiting to happen,” sabi ni Guilas.

Kaya’t nang umakyat siya sa entablado para koronahan ang mga nagwagi at noong pagpihit niya para puntahan ang mga natalong kandidato ay nahulog siya sa malalim na butas sa “Pageant Stage of Death.”

“ I wanted to congratulate all the other winners onstage to assure them they all did a great job. Given the dizzying stage lights and the people already starting to crowd the stage (and probably because I am naturally movement impaired with a challenged vision—making me a certified PWD), I fell through one of the pits and hit my head hard on the stage’s metal framing on my way down,” lahad ni Guilas.

“I really thought I was going to die at that time. While some people tried to extend help to prop me out of the pit, I had no one but me (and two fellow judges and a friend) to rush me to the nearest hospital to get myself checked and see just how extensive my injuries were.”

Kahit lumabas aniya sa resulta ng X-ray na walang bone fracture, ang kanyang ulo ay namaga at inilagay siya ng doctor sa close observation sa loob ng limang araw upang mabatid ang anomang negatibong epekto sa kanya ng aksidente.

Hanggang sa araw na isinulat ni Guilas ang mensahe sa Facebook noong Martes, wala aniyang ni isa mang kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Balagtas na nangumusta sa kanyang kalagayan.

Sa kanyang kalatas noong Huwebes na ipinaskil sa Facebook ni Balagtas Mayor Eladio E. Gonzales, humingi siya ng paumanhin sa sinapit ni Guilas sa kanilang timpalak pero ipinagtanggol niya ang disenyo ng entablado kung saan nahulog ang TV anchor.

Walang binanggit si Gonzales kung personal niyang papupuntahan si Guilas para alamin ang kanyang sitwasyon.

Hindi rin nanawagan ang alkalde sa kanyang constituents/netizens na itigil ang pagpapakalat ng video clip ng insidente at huwag gawing katatawanan ang isang imbitado nilang panauhin na naaksidente sa kanilang lugar. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *