UMAABOT umano sa dalawang milyong piso ang ibinabayad ng bawat Chinese student para makasungkit ng degree sa ilang unibersidad sa Cagayan.
Isiniwalat ito ni Chester Cabalza, professor sa University of the Philippines at tubong Cagayan, sa inquirer.net hinggil sa isyu ng biglang paglobo ng bilang ng Chinese students sa Cagayan.
Ayon kay Cabalza, may mga report na ni hindi pumapasok sa klase ang nasabing mga estudyante at nagsisilbi umanong “gatasan” sila ng ilang institusyon sa lalawigan.
Maaari aniyang may mas malaking pakay ang presensya ng Chinese students sa lalawigan sa gitna ng pagtaas ng geopolitical tensions.
Ang Cagayan, ani Cabalza ay nasa estrahikong lokasyon sa gitna ng “hegemonic rivalry” sa pagitan ng US at China.
Naniniwala si Cabalza na dapat higpitan ng pamahalaan ang pag-iisyu ng isa sa mga dayuhang estudyante.
Dalawang mambabatas mula sa Cagayan Valley ang naghain ng magkahiwalay na resolusyon na humihiling sa kaukulang komite sa Mababang Kapulungan na busisiin ang nasabing isyu.
Matatandaan noong Abril 2023 ay pinahintulutan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggamit ng Amerika sa apat pang kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng Enhance Defense Cooperation Agreement (Edca), na pumapayag na manatili at mag-imbak ng kanilang equipment ang US troops.
Dalawa sa Edca sites na ito’y matatagpuan sa Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, at Lal-lo Airport in Lal-lo sa Cagayan, na malapit sa Taiwan. (ROSE NOVENARIO)