Thu. Sep 19th, 2024

NAKIPAGKITA umano si ousted Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kanyang mga kaibigang Chinese sa Malaysia.

Nabatid ito ng Balitang Klik sa isang source na nagsabing “mid-June” umano naganap ang chikahan ni Guo sa kanyang mga amiga sa Malaysia.

Ngunit ayon kay Sen. Risa Hontiveros umalis ng Pilipinas si Go, na may Chinese name na Guo Hua Ping, noong Hulyo at nagtungo sa Malaysia.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na ginamit ni Guo ang kanyang Philippine passport nang lumabas ng bansa.

“I am now in receipt of information that in fact this person was already out of the country on July 18, 2024 to Kuala Lumpur, Malaysia. Ipapakita ko po ang dokumentong ito, bilang patunay na pumasok sa Malaysia si Alice Guo,” ani Hontiveros.

Mula sa Malaysia aniya ay nagpunta sa Singapore si Guo para bisitahin ang kanyang ama na si Guo Jian Zhong, ina na si Lin Wen Yi, kapatid na lalaki na si Wesley Ong, at Cassandra Ong, ang “designated representative” ng Lucky South 99 ang sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.

“Tumuloy si Alice Guo sa Singapore, kung saan nag tagpo tagpo sila ng kanyang magulang na sina Lin Wen Yi at Guo JIanZhong. The couple flew in from China on July 28, 2024. Mistulang reunion sila doon kasama sina Wesley Guo at si Cassandra Ong,” ani Hontiveros.

“Who allowed this travesty to happen? Sino ang may kagagawan nito? Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginisa sa sarili nating mantika,” sabi ni Hontiveros.

Wala aniyang CCTV footage sa paglabas ni Guo ng bansa. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *