DUMADAGUNDONG ang ingay ng madla sa paghihiwalay ng tambalang ‘KATHNIEL’, mula kay nanay, tatay, kuya, ate, kapitbahay, social media, ay nag-iingay at nakiki-‘Marites’ sa paghihiwalay ng landas ng dalawang young superstars.
Lahat ay may kani-kanyang opinion sa usapang hiwalayan. Si Daniel Padilla, na kilala ng karamihan ay isang ‘Star Royalty’ ikanga, guapo, mahusay umarte, simpatikong binata at kinahuhumalingan ng mga babae’t ibang sari’ ay ang NIEL’ ni KATH’.
Si KATH O KATHRYN naman ay lumaki na sa ‘showbiz’, nag-umpisa bilang child performer at aktor ng telebisyon hanggang sa marating niya ang kanyang estadong kasikatan ngayon. Sa pagkakatuldok ng kanilang labing-isang taong relasyon ay karamay ang maraming Pinoy sa pighati at ramdam ang hinanakit ng bawat isa, at di magkamayaw o maka “move on” sa nangyari.
BALIK-TANAW
Ang pelikulang Pinoy ay ang pinakabatang uri nng sining sa bansa at kinahiligan nang nakararami dahil nakalilibang kaya naging popular.
Ang tema ng mga unang pelikulang Pinoy ay ang melodrama at kalaunan ay ipinalit ito sa mga zarzuela, balagtasan, talastasan o Teatro noong unang panahon.
Hinalaw ang mga kuwento ng pelikula mula sa Hollywood at aklat.
Sa paglipas ng panahon ay nauso na ang ‘love team’ at nag klik ito sa masa.
Sina ‘Carmen Rosales-Rogelio Dela Rosa, Susan Roces-Fernando Poe , ‘Nora-Tirso, Ate Vi at Bobot’ hanggang kina ‘Kim at Xian at LizQuen to KATHNIEL ay kinagiliwan ng madlang pipol.
Sa iba’t ibang tema ng pelikula ay naisasalarawan din ang buhay ng bawat Pinoy sa mga istorya nito.
May layunin na ilahad ang mga problema at talakayin ang kahalagahan ng buhay sa mundong ginagalawa kaya’t nakaka-relate at nasasalamin din ang ating sarili hanggang sa tayo ay makisama sa emosyon na angkop sa lahad ng mga gumaganap sa istoryang ating pinanonood.
Ang Pinoy ay nanonood nang sine upang maglibang at mapagaan ang kanilang pakiramdam sa oras ng kalungkutan, at pighati. Sa loob nang mahigit isang oras ay pansamantalang nakakawala sa kanilang karaniwang gawain at pamamalagi sa sariling mundo.
Ito ay epektibo ring paraan para takasan ang realidad ng buhay, para kahit kaunti ay maibsan ang lungkot at malimutan saglit ang bumabagabag na problema.
Kahit na mataas ang bayad sa tiket, sinehan pa rin pinipili ng tao para maglibang.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga sinehan sa mga mall ay patuloy na pinagaganda at ginagawang moderno ang pasilidad gamit ang bagong teknolohiya.
Ngayon ay may MX4D Motion EFX Theater na bukod sa teknolohiyang 4D cinema na may mga upuan na gumagalaw kasabay ng aksiyon sa pelikula samantalang sa pamamagitan ng special EFX generators ay nararamdaman ng mga nanonood ang bawat galaw, pagtalikod, pagtagilid, ihip ng hangin, dagundong nang malakas na alon at iba pang epektos.
Sa romantikong tema naman ay damang-dama ng manonood ang hininga, tibok ng puso at mga galaw ng mga mata ng karakter na isinalalarawan ng mga aktor ng pelikula.
Sa paglipas at pagbabago ng panahon ay iba’t ibang trends o mga uso at mga bagay ang tema ng bawat pelikulang Pilipino.
Samu’t saring istorya ng buhay, ang isinalalarawan sa puting telon ng sine, at ang pagiging likas na romantiko ng Pinoy ang dahilan kaya tinatangkilik ang pelikula.
Marami ang nakasubaybay sa kuwento ng pag-ibig ng KATHNIEL kaya’t hindi nakapagtataka na marami ang nakikisalo, nagbigay ng kanilang saloobin at opinyon, nag-aabang sa susunod na kabanata.
Gumagawa ang fans ng sariling bersyon ng istorya na angkop sa gusto nilang kahinatnan ng romansang DANIEL PADILLA at KATHRYN BERNARDO.
kaw, ano ang masasabi mo sa hiwalayang KATHNIEL?